Loading...

Breaking News

Richard Gutierrez gaganap sa TV5 remake na 'Ang Panday' sa 2016.

Kung ang ABS-CBN pinaghahandaan nila ang Darna sa 2016 at ang GMA naman ay magkakaroon ng remake sa sikat na telefantasya noon na Encantadia hindi naman magpapahuli ang Kapatid Network sa opening salvo nila sa susunod na taon.

Opisyal na ngang "Kapatid" ang dating kapuso star na si Richard Gutierrez dahil mga bigating proyekto ang gagawin nya sa TV5 sa 2016. Nasilayan na din ang aktor sa KisPinoy ng TV5.


Dahil nagkaroon ng malaking pagbabago sa entertainment department ng TV5 at ang Viva Entertainment ni Boss Vic del Rosario na ang bagong namamahala nito, isa sa mga aabangan sa kapatid network ang tv series na 'Ang Panday' na gagampanan ni Richard Gutierrez.

Tama ang inyong nabasa na si Richard Gutierrez ang gaganap sa tv remake na "Ang Panday" at excited na ang aktor na simulan ang proyektong ito dahil ito din ang pagbabalik nya sa primetime.

Matatandaan na 2005 ng bumida noon sa ABS-CBN tv remake na "Panday" si Jericho Rosales katambal si Heart Evangelista.

Makalipas ang isang dekada muli na naman itong masisilayan sa telebisyon at handog ito ng TV5 para sa kanilang loyal viewers na patuloy na sumusuporta sa kanilang istasyon.

Sa mga hindi nakakaalam co-managed ng Viva Artist Agency si Richard Gutierrez at ang kanyang ina na si Anabelle Rama.

Inaabangan na din kung sino ang makakapareha ni Chard dito at mukhang talent din ng Viva ang makakatambal nya dito.

Abangan si Richard Gutierrez sa TV5 remake na "Ang Panday" ngayong 2016 na sa primetime panalo ng TV5.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments