Loading...

Breaking News

Pambansang Teleserye ng Pinoy 'Ang Probinsyano' humataw sa National, Rural at Metro Manila Ratings!

Patuloy na namamayagpag sa ere ang pambansang teleserye ng mga pinoy ang "Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Waging-wagi sa tv ratings mapa national, rural at metro manila ang serye Ang Probinsyano laban sa katapat nito ayon sa datos mula sa Kantar Media Philippines.

Humataw at nakapagtala ng 41.6% nationwide ratings ang Ang Probinsyano at bugbog sarado naman ang katapat nito na Marimar na nakakuha ng 21.4% noong Nobyembre 12.

Panalo din sa rural ratings at nakapagtala ang Ang Probinsyano ng 45.5% laban sa 19.5% nang Marimar.

Wagi din sa metro manila ratings ang Ang Probinsyano na nakakuha ng 36% laban sa katapat nito na Marimar na 23.5% ang nakuha.

Kapansin-pansin na tila walang pagbabago sa serye Marimar ni Megan Young dahil bukod sa hindi ito pinag-uusapan online luhaan din tio sa ratings.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments