Loading...

Breaking News

ALDub patuloy na namamayagpag, pero ilang programa sa Kapuso Network luhaan sa ratings!

Hindi na nga mapipigilan at maikakaila ang pagsikat nila Maine Mendoza (Yaya Dub) at Alden Richards o mas kilala sa tawag na AlDub dahil sa kanilang kalyeserye sa Eat Bulaga.

Isang Dabarkads si Maine Mendoza at sa mga hindi nakakaalam isa pala syang certified Kapamilya pati na rin ang kanyang pamilya. Bago sumikat tanging ang Eat Bulaga lang ang pinapanood nya sa Kapuso Network dahil isa nga itong Kapamilya. Ano naman kaya ang masasabi ng GMA sa isyung ito?

Dinaig pa ng Aldub ang ilang kapuso stars sa dami ng mga fans, aba'y makakatulong talaga ang naturang tandem sa ekonomiya ng GMA. Tuloy din ang pagbuhos ng endorsement para sa Aldub, na pangarap din ng ilang starlet na magkaroon nito.

Kapansin-pansin din na gabi-gabi binabalita sa 24 Oras at Saksi ang Aldub at tila isang malaking ganap ito para sa GMA ano pa't super sikat na sina Maine at Alden kumpara sa ibang Kapuso Stars hindi ba GMA Artist Center.

Sa pagbibigay importansya ng GMA sa AlDub mukhang ganito din ang naging istilo nila noon kay Angel Locsin, Richard Gutierrez, Marian Rivera at Dingdong Dantes sa pag-focus nila sa isang artista. Kaya naman may ilang mga fans ang umalma at nag-alburoto sa GMA dahil sa ipinapakita nilang todo suporta sa nasabing tandem.

May ilang fans ang dismayado para sa kanilang mga iniidolo at sinusuportahan na kapuso stars at ilang programa dahil hirit nila walang exposure o kulang sa suporta ang naturang network.

Mapa kapuso star o news reporter bukambibig ang Aldub kaya hindi kataka-taka maging hot topic sila sa social media ano pat ito ang laging laman ng Facebook Fan Page at Twitter account ng GMA.

May ilang kapuso ang naglabas ng saloobin sa social media at ilang forum dahil sey nila kulang na kulang sa suporta ang ilang programa at artista ng GMA, diumano puro na lang Aldub ang ibinabalita.

Hirit din ng ilan nauumay na sila sa mga ganap sa Aldub, may mga programa at artista kasing dapat pagtuonan ng pansin at unahin ng network.

Luhaan sa ratings ang mga bagong programa sa GMA gaya ng To The Top, Beautiful Strangers, Buena Familia at ang nagbabalik na Starstruck. Hindi din pinag-uusapan ang serye My Faithful Husband at Marimar sa social media ano pat mga primetime shows ang mga ito.

Ang tanong ng ilan kung magtuloy-tuloy ang mga ganap at paandar ng GMA sa tandem na ito baka hindi nila namalayaan bumalik sila sa dati, hirit nga nila umay na umay na sila sa Aldub.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

2 comments:

  1. yes over exposure dapat neutral sa pagbabalita at pag post sa mga website

    ReplyDelete
  2. Tama nakakaumay na rin kasi pag open mo ng FB mo at twitter puro Aldub na lang nakikita mo!! Di n fair yan sa ibang artista sa gma

    ReplyDelete