Loading...

Breaking News

Isang 8-anyos na paslit nagbigti dahil nadismaya sa unang date ng ‘AlDub’

Isang 8-anyos na paslit sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City ang nagbigti dahil umano sa pagkadismaya sa unang date nina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza.

Palaisipan sa Quezon City Police District kung ang pagkadismaya sa unang date nina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza ang ugat sa pagbibigti ng isang 8-anyos na paslit  sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa nakalap na ulat buhat sa ilang ka-lugar ng biktimang itinago sa alyas na Paul, ng naturang barangay madalas manood ng ‘Aldub kalyeserye’ ang naturang bata.

Anya, mula ng mainis ang bata sa konting minuto lamang na date ng ‘Aldub’ noong nagdaang Sabado, nagmukmok na ito hanggang sa alas-12:00 ng tanghali kama­kalawa. Doon din nadiskubreng magpapatiwakal ang biktima  sa loob ng kanilang kuwarto sa Area B. Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng pulisya, na­gulat umano ang ama ng biktima nang makita ang na­­ngingisay na anak na na­ka­bitin sa beam ng kanilang bahay gamit ang linen cloth na nakapulupot sa leeg nito.

Kaagad na ibinaba ng ama ang biktima at isinugod sa FEU Medical Center kung saan naagapan at ngayon ay nasa maayos ng kondisyon.

Gayunman, patuloy na binubusisi ni PO3 Jovelyn Agustin ng QCPD station 6 Women’s Desk, may hawak ng kaso ang tunay na ugat sa  tangkang pagpakamatay ng paslit.


Written by:  Angie Dela Cruz


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments