Loading...

Breaking News

Maalaala Mo Kaya episode ni Primetime Princess Kathryn Bernardo pinag-usapan at nag-trending worldwide.

Inabangan ng pinoy viewers partikular ang Kathniel fans ang episode ni Primetime Princess Kathryn Bernardo sa longest running drama anthology sa asya ang Maalaala Mo Kaya.

Marami ang naiyak sa episode ng MMK na "Parol" na kung saan kahit hindi nya kasama ang kanyang kapareha na si Daniel Padilla ay inabangan parin ito.

Mas gumaling pa lalo sa pag-arte si Kathryn Bernardo kaya naman may ilang viewers ang naiyak at nadala sa istorya na umantig sa kanilang mga puso.

Pinag-usapan din sa social media ang episode na Parol at nag trending ito sa twitter worldwide, bumuhos ang samu't saring komento mula sa netizens sa nasabing episode.

Inaasahan din na mataas ang makukuha nitong ratings mapa AGB Nielsen man o Kantar Media ay wagi ito.

Mukhang kinakailangan makita ng mga big boss ng dos ang pag-arte ni Kathryn dahil meron itong upcoming teleserye na Pangako Sa'Yo na kung saan ipinalabas pa ito noon sa ibang bansa.



Pagkatapos ni Kathryn Bernardo umaasa ang mga fans na magkakaroon din ng episode ang katambal nito na si Daniel Padilla na tiyak pag-uusapan din.




For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments