Da WHO: Isang Comedy Film sa MMFF hindi nakakatawa.
Hindi lahat ng mga kakilala namin ay nagtiyagang pumila sa mga sinehan noong unang araw ng MMFF ay natuwa sa pinanood nila.
Tandaan ninyo ha, sinabi namin “nagtiyaga sa mahabang pila”, ibig sabihin mga kumikitang pelikula. Kasi maliban sa tatlo, wala naman kaming nakitang pila sa iba.
Pero iyong isang kaibigan namin na ang akala ay matatawa siyang talaga sa panonoorin niya, at makalimutan kahit na sandali na nitong nakaraang Pasko ay mahina ang benta ng tindahan niya, medyo disappointed siya.
Kasi hindi raw siya natawa sa pelikula kagaya noong una. Iyon daw isang child star na pinanood niya, noong una lang pala cute, pero dito sa pelikulang napanood niya, walang-wala na talaga.
Hindi naman kasi alam ng mga tao kung ano talaga ang klase ng pelikulang panonoorin nila bago sila manood. Nakaasa lamang sila sa sinasabi ng iba na nakapanood nang una ng pelikula, usually iyan naman ay mga press release lang ng mga pelikulang iyon.
Ang gaganda ng sinasabi, pero basta pinanood mo na, ano ba naman iyan!
Kaya mas maraming tao ang nagpupunta na lang sa mga amusement parks kagaya ng Star City. At least doon masaya na, may experience ka pang naiiba. Hindi iyong nakaupo ka lang nang isang oras at kalahati tapos naiinis ka pa sa nakikita mo.
Written by: Ed de Leon

No comments