Loading...

Breaking News

Celebrities at business personalities, sanib-puwersa sa SARI-SARI STARS online charity sale ng BuyandSellPH.com

Mas magiging makabuluhan ang selebrasyon ng Pasko ngayong taon lalo na at magsasama-sama ang mga kilalang celebrities at tinitingalang business personalities sa bansa para sa one-of-a-kind online fundraising activity na “SARI-SARI STARS”.

Lalahok ang mga celebrities at business icons sa “SARI-SARI STARS” ng BuyandSellPH.com kung saan puwede nilang i-pledge ang ilan sa kanilang most valued personal items at services sa special online sale na ito para sa disaster response at preparedness programs ng Tulong Kapatid, ang CSR consortium ng MVP Group of Companies.

Sa fundraising activity na ito maaring mabili ang mga pre-loved merchandise, autographed goods o sorpresang services ng mga magsisilahok na showbiz personalities at high-profile company executives.

Nagsimula na ang SARI-SARI STARS noong Sabado, November 15, 2014, sa pagbubukas ng www.BuyandSellPH.com, ang bagong website ng Buy & Sell newspaper, ang pioneer sa free classifieds advertising sa bansa.

At para gawing mas espesyal ang fundraising activity na ito, maaaring makaharap personally ng mga buyers ang mga celebrity sellers and personalities na nag-donate ng kanilang items and services sa gaganaping on-ground culminating event sa December 5 sa Meralco grounds.

Bumisita sa www.BuyandSellPH.com para sa karagdagang detalye.

No comments