Loading...

Breaking News

Kapuso Star na si Yassi Pressman nasa Kapatid Network na!

Maraming talents ng GMA Network ang isa-isa ng naglalayasan dahil nga ba sa hindi magandang sistema o pamamalakad sa nasabing istasyon.

Kawalan nga ba ng proyekto sa Kapuso Network kaya napilitan ang produkto ng Starstruck na si Yassi Pressman na tanggapin ang inilatag na proyekto kaysa magutom.

Matatandaan na nitong anibersaryo ng Its Showtime ay nasilayan si Yassi Pressman bilang guest nila Jhong Hilario at Vhong Navarro sa noontime show na Its Showtime.


Kinakailangan din ng maraming talents ang TV5 dahil maraming artista nito ang nagsilipatan at nag-alisan na katulad nila Marvin Agustin, Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Alex Gonzaga, Nadine Samonte, Arci Munoz, Meg Imperial, Willie Revillame, JC de Vera at marami pang iba.

Sa pagkakaroon ng book 2 ng Wattpad presents: Mr.Popular Meets Nobody 2 na umere nitong lunes lang Nobyembre 24 kasama ang kapuso star na si Yassi Pressman sa nasabing mini series.

Magtuloy-tuloy kaya ang pananatili ni Yassi Pressman sa Happy Network pagkatapos nitong wattpad mini series nya o babalik sya sa GMA7, walang exclusive contract si Yassi sa syete at per show lang ang offer sa kanya.

Ngayon linggo din ay hurado si Yassi Pressman sa noontime show na Its Showtime hudyat na ba ito na lalayasan na nya ang GMA?

Hindi bat sya ang napupusuan ng netizens na gumanap bilang Monica Brava so paano na kung mapabayaan ng network si Yassi at mag-offer ang TV5 sa kanya.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments