Loading...

Breaking News

Angelica Panganiban at Jodi Sta.Maria mga pinagpipilian bilang bagong Amor Powers sa remake na Pangako Sayo.

Ingat na Ingat si Eula Valdez sa pagsagot sa tanong kung sino sa tingin niya ang mas bagay gumanap na Amor Powers sa gagawing remake ng Pangako Sa ‘Yo – si Jodi Sta. Maria ba o si Angelica Panganiban?

Kasama si Eula ngayon sa bayani serye na Ilustrado ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kylie Padilla, at aware raw siya na muling gagawin ng ABS-CBN ang Pangako Sa ‘Yo kung saan naging iconic ang role niyang Amor Powers.

“Akala ko hindi niya tinanggap? Akala ko si Angelica Panganiban daw, ang huling dinig ko? Wala, wala akong comment,” pag-iwas ni Eula sa issue.


“Basta happy ako sa Pangako Sa ‘Yo nu’ng time namin. Tapos na yun!” aniya pa. “Yung emosyon ko at reaksyon ko ay nagtatapos sa panahon namin.

Yung bago ngayon, kung anuman ang gagawin nila, right nila yun, kung gusto nilang gumawa ng panibagong version. Siyempre bagong mga artista dahil kung hindi, bakit pa sila gagawa e, ‘di i-replay na lang din nila ulit,” biro ng aktres.

Pero sa pamimilit kay Eula na sagutin ang tanong, aniya, “E, kung si Jodi magaling, si Jodi. Gusto ko si Jodi. Basta good luck sa kanilang dalawa.

Alam n’yo kasi kaibigan ko si Jodi, e! So alam mo yun? Pero sa kakayahan, malay mo naman, may pasabog si Angelica, di ba? Hindi mo rin masasabi, e.

“Tsaka nasa materyal yan, e. Kung maganda ang materyal, lalabas at lalabas ang galing mo. Puwera na lang kung bobo ka,” ang pahayag ni Eula.


Written by: Ervin Santiago

No comments