Loading...

Breaking News

Da WHO: Young Actor magbababu na sa showbiz, hindi happy sa kinahinatnan ng pakikipagsapalaran.

Balak nang bumalik sa pag-aaral ang isang bini-build up na young actor dahil medyo disappointed ito sa nangyayari sa kanyang career.

Kahit may regular show siya, pakiramdam niya ay kulang pa rin ang nangyayari sa kanya. Marami raw pinangako sa kanya ang kanyang manager, pero iilan lang daw ang natupad sa mga iyon.

Tuloy, naisip niyang bumalik na muna sa pag-aaral dahil ang mga kasabayan daw niya ay nasa college na at ini-enjoy ang kanilang kurso.

“Hindi pa kasi nakatapos ng high school ang batang ‘yan noong pumasok siya sa showbiz.

“Kaya siguro nahihiya siya sa mga dating classmates niya, kasi nasa college na silang lahat tapos siya, hindi pa tapos ng high school.

“Hindi siya satisfied sa mga project na natatanggap niya. May kulang daw talaga. Kaya imbes na maaksaya ang panahon niya, gusto niyang bumalik sa pag-aaral.

“Tama lang naman iyon kasi noon pa siya pinipilit ng kanyang magulang na bumalik sa school dahil alam nilang hindi siya masaya sa mga nangyayari sa career niya,” kuwento pa ng source namin.

Malapit naman na raw mag-expire ang kontrata ng young actor sa kanyang manager at wala na itong planong mag-renew dahil gusto na nga niyang bumalik sa school.

Wala naman daw panghihinayangan si young actor dahil puwede pa naman siyang bumalik sa pag-aartista kapag nakatapos na siya.



Written by: Ruel Mendoza

No comments