Loading...

Breaking News

Pops Fernandez namamalimos na lang ng Talk Show.

TOTOO talaga ang kasabihan sa showbiz na once na pinaglipasan ka na ng panahon ay di mo na talaga maibabalik ang dating sigla ng iyong career. Take the case of Pops Fernandez.

During her prime, hindi lang siya namayapagpag bilang Concert Queen kundi nag-reyna rin sa mga talk shows. Yes, noong 80′s, dalawang evening talk shows nga ang nagawa ni Pops with ex husband Martin Nievera na talagang humataw sa viewers.

But sad to say, maliban sa parang napagkaitan na ng project sa TV at pelikula si Pops, tila wala na ring network na nagkakainteres na bigyan siya ng sariling talk show.

Pagdating naman sa concert, kung di pa i-produce ng singer-actress ang kanyang sarili ay wala na ring takers, di ba naman? Mabuti pa nga ang mga promoters sa abroad, pinapansin siya pero rito sa Pinas dine-deadma na ang kanyang beauty.

Ang nakapagtataka ay nakabalik na nga si Martin sa field ng entertainment pero si Pops waley talaga. Tanong lang ha? may balat kaya sa puwet ang mother ng mga anak ni Martin? Just asking lang gyud!

Written by: Peter Ledesma/Remate.ph
 

No comments