Loading...

Breaking News

Sa sobrang kalasingan Angelica Panganiban nagwala, nagsisigaw at nagbasag ng bote.!

NAINTRIGA ako sa tsismis ng kilalang blogger na pinipitisyon sa kanyang eskuwelahang pinagtatrabahuhan dahil sa blogsite nito na walang ginawa kundi itsismis at sirain daw ang ibang tao.Kinakatulong pa raw nito ang kanyang mga estudyante para maghanap nang maibabalita.

Anyway, ayon sa bagong tsika nito, na may palagay kaming sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban ang tinutukoy nito, nahawahan na raw ng aktor ang kanyang girlfriend sa sobrang pag-iinom ng alak. Dati naman daw ay moderate lang kung lumaklak ang aktres, pero nang maging karelasyon nito ang magaling na aktor ay nag-level up na rin ito sa pagiging lasengga.

Madalas nga raw na magpunta ng mga club ang dalawa kasama ang dabarkads nila para tomoma ng todo.
Isang araw, nang nalasing daw ng sobra si Angie, inihatid siya ni John Lloyd sa eksklusibong subdibisyong tinitrihan nito.

Pero napeste raw sa katatawag at kado-doorbell si Angie dahil hindi lumalabas ang maid para buksan ang gate. Palibhasa lasing kaya nagtapon raw ng bote ng alak sa kalsada ang dalaga sabay sigaw sa namesung ng kanilang helper. Dahil sa ingay ni Ms. Panganiban, nagising at naeskandalo ang mga naninirahan sa nasabing subdibisyon.

Mabuti na lamang at carry pa raw ni John ang sarili kaya nasasaway nito ang kasintahan. At para matahimik daw ang siyota niya, umakyat na ito ng bakod para buksan ang gate.

Salamat kay Papa John at napahinga rin daw sa ingay ang mga neighbors. Hehehe!

Sila ba itetch? Ano sa palagay n’yo?

Written by: Abe Paulite/Remate.ph

3 comments:

  1. grabe hindi pa naman pala kayo sigurado kung sino e... makapag lagay agad kayo ng pangalan porket magsyota lang.. bakit hindi lang naman sila ang magsyota sa network ah... mga naghahanap lang kayo ng bashers nila eh. siguro taga kapuso kayo kaya hinahanapan nyo ng mali ang tga abs-cbn.

    ReplyDelete
  2. nsa exclusive subdivision pla nakatira eh paanong nakapasok ang bobong blogger na un at alam ang every little thing in details pa ha ?????

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Madali kc gumawa nang Istorya eh,

      Delete