Loading...

Breaking News

TV5 at GMA7 babaguhin ang viewing habit ng mga pinoy sa primetime dahil handog nila ang lumang pelikula na palabas tuwing gabi.

Base sa usap-usapan sa mga online forum ay mag-eksperimento muna ang kapuso network sa kanilang GMA Telebabad Shows kung papatok nga ba sa kanilang audience ang mga lumang pelikula.

Ang balitang isa o dalawang linggo tatakbo daw ang lumang pelikula handog ng GMA7 at sa pagbubukas ng 2014 ay may makakatapat na ang TV5 sa kanilang pelikulang tinagalog.

Mukhang ang TV5 at GMA7 ang maglalaban sa primetime dahil bukod kasi sa may mga drama series silang ipapalabas ay may handog pa silang libreng sine sa kanilang mga viewers.

Abangan na lang natin kung papatok ito dahil nakasanayan na ng mga pinoy ang mga teleserye na inihahain tuwing gabi sa telebisyon mukhang ang ABS-CBN lang ang may kakayahan na mapanatiling no.1 ang kanilang mga serye sa primetime.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter andADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. Matagal na ang mga tagalized movies sa TV5 SINCE ITS LAUNCHING AS REPLACEMENT FOR ABC5.

    ReplyDelete