Loading...

Breaking News

Former Kapamilya Teen Actress 'Mika Dela Cruz' signs contract with GMA Network!

Sorpresang nasilayan ngayon araw ang dating kapamilya teen actress na si Mika dela Cruz sa bakuran ng Kapuso Network.

Maraming nagulat sa hindi inaasahang paglipat ni Mika dela Cruz sa Kapuso Network dahil kani-kanina lang ay pumirma siya ng kontrata sa GMA Network.

Isa si Mika dela Cruz sa maituturing magagaling na teen aktres sa kanyang henerasyon dahil pwede siyang maging bida at isang kontrabida na swak naman sa panlasa ng mga viewers.


Kung ang ABS-CBN naman ay patuloy ang pagtanggap ng mga artista mula sa GMA at TV5 ang Kapuso Network naman ay hindi pakakabog dahil ilang homegrown talents ng Kapamilya ay inooperan para naman lumipat.

Sa mga hindi nakakaalam si Mika dela Cruz ay kapatid ng kapuso aktres na si Angelika dela Cruz na marami ng proyektong ginawa sa GMA.

Wala pang detalye kung anong proyekto ang gagawin ni Mika sa GMA Network pero sa aming nakuhang impormasyon bibida siya sa isang kapuso drama at itatambal siya sa isang kapuso aktor.

Bagama't marami ang masaya sa bagong yugto tatahakin ni Mika sa Kapuso Network may ilan din ang nalungkot at nanghinayang sa paglipat nya dahil sigaw nila ay malalaos lang daw ang aktres kapag lumipat ito.


A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. anong malalaos kapag lumipat? sikat ba sya? hindi nga sya visible sa dos eh..patawa naman sa malalaos eh matagal na syang laos

    ReplyDelete