Loading...

Breaking News

Kapuso Actor na si 'Mark Anthony Fernandez' nagpaliwanag matapos mahulihan ng 1 kilo marijuana.

Ayon sa ABS-CBN News arestado ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos makipaghabulan sa mga pulis matapos takbuhan ang isang checkpoint sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat ni Trisha Mostoles walang plaka sa harap ng sinasakyan ng aktor na si Mark Anthony kaya ito sinita ng Angeles City Police sa kanilang check point na isinagawa.


Hindi diumano ito huminto sa check point kaya nagkahabulan at umabot sa San Fernando, Pampanga ang habulan kaya minabuti ng mga pulis na paputokan na ang harap ng gulong ng minamaneho ng aktor.

Sa pagsisiyasat naman ng mga pulis nakita sa kanyang sasakyan ang mahigit isang kilong marijuana na dala diumano ni Mark Anthony.

Inamin naman ni Mark Anthony Fernandez na binili nya ang marijuana sa Angeles City sa halang 5,000 pesos.

Pero sa panayam kay Mark Anthony ang binili nyang marijuana ay gamot nya pangontra sa kanser narito at panoorin ang kanyang naging panayam.



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments