Loading...

Breaking News

Hugot Babe na si Elisse Joson pinataob si Marian Rivera at Dingdong Dantes sa isang commercial.

Mukhang hindi patok sa mga netizens ang tvc nila Marian Rivera at Dingdong Dantes na inupload sa official page ng McDonalds dahil until now ay hindi manlang ito umabot ng million views.

Sa mga hindi nakakaalam inupload ito noong Setyembre 14 sa page ng nasabing fast food chain at naka Pin Top pa ito pero mapapansin na hindi manlang umaabante ang views ng DongYan videos.


Kunsabagay marami ang nagsasabi na hindi na naibalik ni Marian Rivera ang dati nitong kinang kaya kapansin-pansin na ang mga shows nito ay hindi na nagra-rate.

Sa pagpasok ng McLisse sa McDonalds family may tsikang papalitan na nila ang AlDub bilang McDonalds Loveteam Ambassador pero wala pa itong kumpirmasyon.

Ini-intriga naman ang tvc ni Elisse Joson dahil nakapagtala ito ng mahigit 1 million views sa loob ng tatlong araw at mahigit 2 million views naman sa loob ng anim na araw. Inupload ang ang nasabing video noong Setyembre 27 at nakalikom na ito ng mahigit 69K likes, 6K shares at 5.8K comments.



Kaya naman ikinumpara ng ilang netizens ang tvc nang DongYan na hanggang ngayon nasa 315K views ito, kumpara sa tvc ni Elisse Joson na milya-milya ang lamang nito pagdating sa views.

Sa ngayong nakapagtala ng mahigit 9.3K likes, 2K shares at 647 comments ang video nila YanYan at Dingdong.





Maraming sumusuporta sa tambalang McCoy De Leon at Elisse Joson o #McLisse partikular na ang kabataang pinoy kaya hindi kataka-taka na tatangkilikin sila ng mga pinoy.

Sa pagbabalik naman ng McSpicy balitang ito ngayon ang hinahanap na pagkain sa McDonalds at dito pa lang sa university belt patok na patok itong orderin ng mga estudyante, nangangahulugan nito na patok sila sa panlasa ng mga pinoy.

Pero sana naman tigilan na nila ang pang-iintriga sa McLisse at DongYan dahil iisang pamilya sila at walang isyu sa kanila diba.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments