Loading...

Breaking News

Dating PBB housemate na si Richard Juan balik Kapuso Network?!

Maraming nagtatanong kung balik Kapuso Network na nga ba ang dating housemate ni kuya na si Richard Juan dahil nasilayan siya sa mga kapuso shows.

Si Richard Juan ay nadiskubre sa Eat Bulaga at tinanghal na Grand Winner ng You're My Foreignoy bago siya pumasok sa big brother house bilang Charming Chinito ng Paranaque.

Hindi ko alam kung nasa Be My Lady pa si Richard Juan at kung host pa ito ng "UpFront at the UAAP" dahil hindi naman siya gaano ka-visible sa Kapamilya Network.


Kung hindi kami nagkakamali nakapag-guest na siya sa Taste Buddies hosted by Rhian Ramos and Solenn Heusaff sa GMA News TV.

Bukod sa Taste Buddies aabangan din si Richard Juan sa kapuso show na A1 Ko Sa'Yo bilang si Joaqs.

Kahapon din ay present si Richard Juan sa Kapuso Brigade nang GMA Network na isang charity event kasama ang ilang kapuso stars na sina Joyce Ching, Rita Daniela, Bianca Umali at marami pang iba.


Totoo kayang magbabalik "Kapuso" na si Richard Juan? for good na ba ito sa dati nitong tahanan? Masilayan din kaya natin siya sa Eat Bulaga? Yan ang dapat abangan.

Isa din sa mga napupusuan na gumanap ng netizens bilang Mateo Go si Ricahrd Juan at infairness marami ang gusto na siya ang gumanap sa pinoy adaptation ng My Love from the Star.




For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments