Sophie Albert says she asked TV5 to release her as their contract star.
PUSH - Nagpa-release na sa TV5 ang grand winner nila sa Artista Academy na si Sophie Albert. Babalik din sa Star Magic si Sophie at iko-co-manage siya doon ni Direk Manny Valera na manager din ni Janella Salvador.
Pumirma na rin si Sophie ng exclusive contract sa Regal Films nina Roselle at Mother Lily Monteverde para sa 8 pelikulang gagawin niya rito.
Ayon sa kuwento ni Sophie, hindi umano natupad ang mga ipinagako sa kanya ng TV5 kaya nagpasya na siyang mag-pa-release dito. Hindi raw naibigay ang condo unit at hindi rin nakumpleto ang P5 million worth of contract na bahagi ng premyo niya sa Artista Academy. Naku, hindi kaya sabihin ng TV5 na wala siyang utang na loob?
“Alangan namang I’ll lie. Pero I said naman from the beginning na I know TV 5 tried their best and I appreciate and am very thankful for… kasi kung wala naman yung Artista Academy and wala yung mga experiences ko with TV5, I wouldn’t be here now. So I will always be grateful and thankful to TV5,” katwiran niya.
Idinagdag pa ni Sophie na honest lang daw talaga siyang sumagot at sana raw ay maintindihan din siya. Eh, ano ba ang naramdaman niya na hindi na-fulfill ng TV ang ipinangako sa kanya?
“Siyempre nu’ng start naging bitter ako. Pero later on, na-realize ko na it’s okay kasi parang I still was able to start something because of them. Parang for me, I don’t wanna worry about it, ayoko na siyang isipin, ayoko na siyang damdamin.
“My contract kasi supposed to end next year pa. Parang instead na maghintay ako next year, parang ngayon na lang yung release,” sabi pa niya.
Pakiramdam din daw ni Sophie ay hindi siya nag-grow as an actress nu’ng panahong nasa TV5 pa siya.
“I was there for four years and for the past three years yung ginagawa lang po namin ay yung Wattpad. We really don’t have an opportunity to do drama and then TV5 was also very limited to the project that they could give us. So parang this time, I will be able to explore naman.”
Patuloy pa niya, “Ayoko namang i-blame lahat sa TV5 kasi nga TV was working with what they could naman and they were always naman telling us na ‘we’re doing our best.’ And we saw that and they were really doing their best.
“But because competition is so stiff with ABS-CBN and GMA parang it’s really hard. Tapos yung time slots pa, parang paiba-iba, ang daming struggles so ayoko naman na i-pin lahat sa TV5,” she said.
Dating nasa Star Magic na si Sophie nung bata pa siya, pero dahil mahigpit ang nanay niya at ayaw siyang pag-artistahin kaya hindi siya natuluy-tuloy.
“It’s my dream to be part of ABS. Yung mom ko kasi pina-stop ako noon. Sobrang laki ng away namin nung nag-start ako sa ABS, so yon, I had to stop. And then, yung pagbalik ko sa TV5, patakas din lang yon. Ngayon naman, happy na siya, wala na siyang magawa.”
Eh, ano ba ang expectations niya ngayon sa kanyang career?
“I’m just positive now na sana… wala naman akong expectations, pero I just hope na ma-exercise ko yung acting, kasi I really like to act, it’s my passion. And sana mabigyan ako ng chance na umarte kasi yon lang naman yung gusto kong gawin,” pahayag ni Sophie.
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments