Loading...

Breaking News

Social Media Star na sina Christian Lloyd Garcia at Matthew Ivan Chopitea huli sa pagpatay sa isang Kapitan!

Pinoy History - Si Kapitan Reynaldo Acapan ay kilala bilang masipag at mapagkalingang kapitan ng Brgy. Paco sa Maynila, dahil walang pahintulot ang page na ito na sabihin ang dahilan kung paano nagkakilala at paano nagkita ang mga suspek at ang Biktima hindi namin maaring isiwalat ang mga dahilan dahil sensitibo at umuusad na ang kaso at bilang paggalang narin sa mga naiwan ng biktima.

Gabi ng September 11 2016, nagkaisang bumili ng makakain at uminum sa isang lugar ang 2 binata kasama si kapitan. ( na hindi rin namin pwedi sabihin kung saan sila balak pumunta, kilala ni kapitan ang dalawa at hindi ito unang pagkakataon na nagkita sila ) Nakaplano na ang pagpatay na ito at tila natukso nalang ang dalawa sa maraming perang dala ni kapitan dahil sa isang sensitibong usapan na hindi natin muna pweding sabihin sa Social Media, Isang tagpo naging puno't dulo kung bakit pinatay nila ang kapitan.


Sa isang kalye sa Brgy. Gitnang Bayan sa San Mateo nagsimula ng patayin ang kapitan ngunit itoy talagang nanlaban sinaktan hanggang sinakal ito, pinupok sa ulo at hindi pa nakuntento ang dalawa, sinagasaan ng maraming beses ang biktima hanggang sa bawian ng buhay.

Kinuha ng mga suspek ang 300,000 (perang pangsweldo sana sa kanyang mga empleyado sa barangay) wallet at iba pang gamit sa loob ng sasakyan nito, ngunit may isa bagay silang nakaligtaan, ang Resibo sa 7 11 na binilhan nila ng alak at makakain, dito na nakilala ang mga pumatay matapos makipag-tulungan ang convinience store sa ikalulutas ng kaso, doon nakita na kumpirmadong sila ang huling mga kasama ng kapitan sa CCTV ng tindahan.



Agad na kumilos ang pulisya at nadakip sina Matthew Ivan Chopitea aka Matt Ivan Oda, 18 at Christian Lloyd Garcia, 17. Ang mga ito ay nagtago sa Alfonso Cavite kamakaylan, nahaharap ngayon sa kasong Carnapping, Robbery at murder ang dalawa. Sinong makakapagsabing sa kisig at ganda ng mukha ng mga ito at sya palang pweding gumawa rin ng ganitong klaseng krimen.

Sina Christian Lloyd Garcia at Matthew Ivan Chopitea ay itinuturing mga social media star dahil sikat at marami na din silang mga fans at followers sa social media.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments