Loading...

Breaking News

Chinita Princess Kim Chiu, enjoy sa pagho-host sa 'It's Showtime'

ABS-CBNnews - Marami ang naaaliw kay Kim Chiu sa kanyang latest stint bilang guest host ng noontime show na "It's Showtime."

Mas nakilala ng mga manonood ang lighter side ni Kim na masiyahin. Para kay Kim, marami siyang natutunan dahil wala silang script at live na nagaganap ang lahat.

"Walang script, so sorry medyo tanga-tanga lang minsan, pero natatawa naman sila. Oh my God napaghahalataan ang totoong IQ ko. Wala namang taong perfect, at least napapatawa ko sila sa medyo anu-ano ko," aniya.

Nagbigay reaksyon din si Kim sa kumakalat na balita na magkakaroon sila ng reunion project ni Gerald Anderson.

"Hindi ko nga alam kung saan galing 'yon, kung sino-sino na lang po, bina-bash ako, pero wala pa pong ganoon," ani Kim.

Kahit nagmarka at napuri bilang host, mas pipiliin pa rin ni Kim ang maging artista.

"Gusto ko talaga umarte. Number one gusto ko mag-arte, second dancing, last 'yung singing," ani Kim.

Excited na ngayon ang fans ni Kim na malaman kung ano ang next project niya na mainit nilang susuportahan.



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments