Loading...

Breaking News

Kris Aquino signs 5-year contract worth P800 million with APT Entertainment?!

Marami ang naintriga sa pag live ni Solenn Heussaff sa kanyang fan page dahil naging usapan nga si Kris Aquino ng mga kasamahan nito.

Game ka na ba malaman ang naging usapan? Ang balitang magkakaroon diumano si Kris Aquino ng bagong gameshow sa Kapuso Network at tuwing linggo ito ipapalabas.

Dagdag pa gagawa diumano si Kris Aquino ng teleserye kasama sina Dingdong Dantes, Maine Mendoza at Alden Richards at ang magiging titulo nito ay Sinasamba Kita.


Halatang nakikinig naman si Solenn sa usapan ng mga taong nasa likod nya kaya ang tanong niya dito ay "Totoo yan" sagot naman sa kanya ay "Yah"

Kahit sino naman lilipat dahil ayon sa usapan 5 year contract ang pinirmahan na kontrata ni Kris Aquino sa APT Entertainment at nagkakahalaga ito ng 800 million pesos.

So totoo pala ang balita na umayaw si Kris Aquino sa offer ng ABS-CBN dahil 2 year contract lang ang inilatag sa kanya at gusto ng tv host ay 5 year contract.

Abangan na lang natin kung papatok ang gagawin programa ni Queen of All Media na si Kris Aquino kapag umere na ito sa GMA at kung mapapanatili nya ang kanyang kasikatan.



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments