Loading...

Breaking News

KathNiel movie 'Barcelona A Love Untold' grosses P23 million on First Day!

Inabangan ng mga pinoy at kathniel fans ang pagbubukas sa mga sinehan ng pelikulang Barcelona A Love Untold under Star Cinema.

Tinalo at na break ang record ng pelikulang Barcelona A Love Untold ang highest first day gross ng AlDub na Imagine You and Me na nakapagtala ng 21.5 million sa unang araw nito sa mga sinehan.

Ayon sa inilabas ng Star Cinema nakapagtala ng mahigit 23 million ang kinita ng pelikulang Barcelona A Love Untold na pinagbibidahan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa unang araw nito sa mga sinehan.

Record breaking dahil winasak na nila ang record ng AlDub at ang KathNiel na ang bagong may hawak sa highest first day box-office gross.


Certified HIT, iba talaga ang dalang kilig at wala parin kupas ang tambalang KathNiel mapa teleserye man o pelikula ay patok ito sa mga pinoy.

Tiyak marami naman ang magtataas ng kilay kapag nalaman ng AlDub Nation ang kinita ng pelikula ng KathNiel dahil tinalo nito ang AlDub movie.

Sobrang lakas ngayon sa takilya at talaga naman pinipilahan ang pelikulang Barcelona A Love Untold sa mga sinehan. Ang tanong malagpasan at mahigitan kaya nila ang kinita ng Imagine You and Me na umabot sa mahigit 120 million ang kinita. Yan ang dapat pakaabangan.



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments