Loading...

Breaking News

TJ Trinidad balik Kapamilya Network pasok sa teleserye The Second Wife.

Taong 2008 ng layasan nya ang ABS-CBN at lumipat sa Kapuso Network at itinuturing siyang isa sa magagaling na aktor sa kanyang henerasyon kaya naman hindi kataka-taka na alokin siya na lumipat sa GMA.

After 8 years magbabalik sa Kapamilya Network ang hunk actor na si TJ Trinidad at makakasama siya sa bigating teleserye ng ABS-CBN ang The Second Wife na pinagbibidahan nila Iza Calzado, Ian Veneracion at Bea Alonzo.



Huli niyang teleserye ginawa sa GMA ang Wish I May na nagtapos noong Mayo 20 at nakapag guest din siya sa drama anthology na Magpakailanman.

Sa kanyang twitter account ay nagpost ito ng kanyang first day taping kasama si Iza Calzado noong Hulyo 13 at sinundan naman ng tweet noong Hulyo 14 ng "The answer is Second Wife. 👍. New show. New challenge. Happy."

Maraming kapamilya fans din ang nakamiss sa kanya at sey nila sana ay tuloy-tuloy ang paggawa nya ng teleserye sa ABS-CBN.



For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments