Loading...

Breaking News

GMA Afternoon drama series 'Sinungaling Mong Puso' magtatapos na ngayong Oktubre 28!

Pagkatapos ng serye Magkabilang Mundo na nagtapos noong Setyembre 16 isa na namang GMA Afternoon drama series ang magtatapos sa susunod na buwan.

Ayon sa aming nakuhang impormasyon ngayong Oktubre 28 nakatakdang magtapos ang serye Sinungaling Mong Puso" na pinagbibidahan nila Kiko Estrada, Rafael Rosell at Rhian Ramos.

Sa nakalipas na mga buwan kapansin-pansin na hindi na nagtatagal sa ere ang serye umi-ere sa GMA Afternoon Prime, hindi gaya ng The Half Sisters na makailang beses na na-extend. Katapat nito ang serye ni Julia Montes na Doble Kara na patuloy na namamayagpag sa ratings.


Ngayong Oktubre na magpapaalam sa ere ang serye "Sinungaling Mong Puso" at kung hindi kami nagkakamali 4th week ng Oktubre magtatapos ito.

Nagsimula ang serye Sinungaling Mong Puso noong Hulyo 18 at magtatapos sa Oktubre 28 sa madaling salita umabot ito ng isang season katumbas ng tatlong buwan sa ere.

Sa pinakalatest tv ratings na inilabas nang Kantar Media nakapagtala ng 11.2% na tv ratings ang Sinungaling Mong Puso noong Setyembre 27 laban sa 17.8% ng Doble Kara.

Sa datos naman mula sa AGB Nielsen dikit ang laban nakakuha ng 13.7% ang Sinungaling Mong Puso laban sa Doble Kara na nakakuha ng 12.9% na tv ratings.

Abangan ang nalalapit na pagwawakas ng daytime drama series na Sinungaling Mong Puso pagkatapos ng Oh My Mama! at bago mag Sa Piling ni Nanay sa GMA Afternoon Prime.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments