Loading...

Breaking News

GMA Afternoon drama series "Sa Piling ni Nanay" magtatapos na sa Oktubre 14.

Bukod sa Sinungaling Mong Puso na pinagbibidahan nila Rafael Rosell at Rhian Ramos isa pang GMA Afternoon drama series ang magtatapos sa Oktubre.

Kung walang magiging aberya nakatakdang magtapos ang GMA Drama na Sa Piling ni Nanay na pinagbibidahan nila Katrina Halili, Yasmien Kurdi at Mark Herras sa darating na Oktubre 14.


Nagsimula ang serye sa Piling ni Nanay noong Hunyo 27 at magtatapos ito ngayong Oktubre 14, umabot ito ng mahigit tatlong buwan sa ere katumbas ng isang season.

Wagi sa tv ratings ang Sa Piling ni Nanay base sa datos ng AGB Nielsen nakapagtala ito ng 15.6% na ratings noong Setyembre 28 laban sa 10.1% ng The Greatest Love.

Dikit din ang labanan sa Kantar Media nakakuha ng 12.4% na ratings ang Sa Piling ni Nanay noong Setyembre 27 laban sa 14% ng The Greatest Love.

Abangan ang umiinit na mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye Sa Piling ni Nanay pagkatapos ng Sinungaling Mong Puso at bago mag Wowowin sa GMA Afternoon Prime.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments