Loading...

Breaking News

Dating Kapuso Star na si Gwen Zamora papasok bilang si 'Sofia Elizalde' sa hit teleserye Be My Lady.

Sorpresang napanood kahapon sa aabangan episode ngayon araw sa hit daytime teleserye na Be My Lady dahil papasok ang dating Kapuso Star na si Gwen Zamora sa nasabing serye.

Taong 2010 ng nasilayan sa Kapuso Network ang kapuso aktres na si Gwen Zamora sa telefantasyang Grazilda bilang Cinderella at regular din siya napapanood nuon sa Party Pilipinas.

Nakakaalarma dahil hindi lang artista mula sa TV5 ang naglulundagan ngayon sa ABS-CBN dahil sunod-sunod na rin lumilipat ang ibang kapuso stars.

Huli nyang seryeng ginawa sa GMA Network ang Little Nanay na nagtapos noong Marso 23 at after 6 months ay sa ABS-CBN na siya masisilayan.


Kung hindi kami nagkakamali ay per project ang kontrata nya sa Kapamilya Network dahil wala naman ganap na pirmahan sa pagitan ng ABS-CBN at ng kampo ni Gwen Zamora.

Abangan mamaya dahil papasok na ang kanyang karakter bilang si Sofia Elizalde sa teleserye Be My Lady at siya ang magiging boss ni Phil Oliviera na ginagampanan ni Daniel Matsunaga.

Infairness kay Gwen Zamora dahil magaling siyang umarte at kung todo at maganda ang ipakita nyang akting aba hindi kataka-taka na bigyan siya ng ABS-CBN ng sarili nitong serye.

Ano naman kaya ang masasabi ng homegrown talent ng ABS-CBN dahil naglipana ang bagong talent sa kanilang bakuran at mukhang makakaapekto ito sa kanila dahil na imbes sa kanila ibigay ang role sa mga bagong salta ito mapupunta.



 For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments