Da WHO: Guaranteed Contract, ipinatutupad na sa isang TV Station.
TIYAK NA makararamdam ngayon ng maraming artista sa isang TV network (hulaan n’yo kung alin sa tatlong estasyon: ABS-CBN, GMA, at TV5) ng hirap as far as sustaining their income is concerned.
Dinig namin, isa sa tatlong network ang nagpatupad ng bagong policy sa mga talent na may guaranteed contract. Para sa kaalaman ng publiko, magkaiba ang guaranteed contract at guaranteed income.
Ang una’y ginagarantiyahan lang ang artista ng trabaho within a given period of time, samantalang ang ikalawa’y pumapabor lang sa mga big star na kahit walang trabaho ay kumikita pa rin (doon lugi ang estasyon kaya obligado silang bigyan ng show ang mga artista sa ilalim ng ganitong kontrata).
The new policy of this TV station is such that a maximum of two shows na lang sa isang taon ang ibinibigay nila sa mga “lesser stars.”
At alam naman natin ang kalakaran ngayon sa TV, isang season o katumbas ng tatlong buwan lang ang karaniwang itinatagal sa ere ng isang show.
Kung ganito ang practice as it is now, ang isang artista na sakop ng guaranteed contract ay makagagawa lang ng dalawang shows sa isang taon, or equivalent to six months. So, nganga siya sa susunod na anim na buwan!
This explains kung bakit nagluluksuhan ang mga artista from one station to another. Kailangan nga naman nilang punan ang malaking vacuum sa ‘di nila pagkakaroon ng trabahong pinagkakakitaan.
Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa ating mga artista ay pumapasok na rin sa negosyo dahil hindi naman araw-araw ay Pasko, ‘ika nga, kung showbiz income ang pinag-uusapan.
Written by: Ronnie Carrasco III
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments