Loading...

Breaking News

AlDub 'OUT', McLisse 'IN' sa pinakabagong commercial ng McDo!

Totoo kayang papalitan na ng McLisse ang AlDub bilang McDonalds Loveteam Ambassador?

Ramdam na ramdam na kasi ang pagbaba ng popularity nila Maine Mendoza at Alden Richard dahil unti-unting nalalagasan ang mga sumusuporta sa kanilang tambalan. Kaya ang naging resulta tinapos na ang KalyeSerye na isang segment sa EatBulaga.

Kung dati ay umaabot ng mahigit 40 million tweets ang nakakalap nila kapag may mga ganap sa tambalang AlDub ngayon ay bumaba na ito at minsan ay hindi na umaabot ng 1 million tweets.


May ilang kumpanya din ang hindi na kinuha ang serbisyo nila Alden at Maine para i-endorso ang kanilang produkto sa halip ay kumuha ito ng iba at may ilan din na pinagkakatiwalaan pa rin ang AlDub.

Patuloy ang pagsikat nila McCoy de Leon at Elisse Joson o mas kilala sa tawag na McLisse kaya naman maraming kumpanya din ang nagkakainteres sa bagong tambalan na nabuo sa bahay ni kuya.

Tiyak marami ang magtataas ng kilay kapag nalaman nila na "OUT" na ang AlDub at "IN" naman ang McLisse sa pinakabagong komersyal ng isang sikat fast food chain sa bansa.

Makakasama ni Hugot Babe Elisse Joson ang ka-loveteam nito na si McCoy de Leon sa bagong commercial ng McDo kaya naman may ilang fans nila ang natuwa sa tinatamasa tagumpay ngayon ng kanilang idolo.

Excited na din ang fans na mapanood ang commercial nila Elisse at McCoy.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments