Loading...

Breaking News

TV Host na si Tim Yap nasa ‘Drug List’ daw ni Duterte?

NAGTATAGO raw ngayon ang events specialist/occasional TV host na si Tim Yap ayon sa report ni Manay Lolit Solis sa DZBB program nina Arnold Clavio at Ali Sotto.

Diumano, nasa listahan ng PNP (na ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte) si Tim Yap ng mga pinaghihinalaang supplier ng party drug na ecstacy, ayon pa sa talent manager.

Pati associates ni Tim ay nababahala na sa balitang ito. Nakita namin ang TV host businessman nang pumunta sa Valencia Events Place a few days before ng birthday ni Mother Lily Monteverde nu’ng Aug. 19. Inakala niyang ‘yung araw na ‘yon ang party ng Regal producer.


Pero nu’ng araw mismo ng party ni Mother, hindi namin namataang dumalo si Tim. Hanggang sa kumalat na nga ang nasabing balita.

Wala pang iniisyung official statement si Tim Yap tungkol dito kaya hindi na muna kami magkokomento.

Hindi naman itinanggi ni Manay Lolit na nalulong sa drugs noon ang mga alaga niyang sina Christopher de Leon at Tonton Gutierrez. “Sumali sa Oasis si Boyet at si Tonton naman, iniwasan ang bisyo. Eh, nasa tao naman ‘yan, eh. Kung kaya nilang magbago, magagawa nila,” katwiran ng talent manager.

Tanong naman ni Igan sa talent manager kung nasubukan na nito ang magdroga? “Naku, sa tanda kong ito, never pa akong nakatikim niyan. Para na nga akong naka-drugs kung magbigay ng balita sa inyo.

What more kung naka-drugs ako. Baka mas marami pa akong masabi sa inyo! Babu!” paliwanag ni Manay Lolit. Bukas naman ang pahinang ito para sa magiging paliwanag ni Tim Yap para maliwanagan ang isyu.

Written by: Jun Nardo

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments