Joshua Oliveros of Antique was Named the Third Grand Champion of Singing-Reality Show “The Voice Kids”
Panalo bilang grand champion ng ikatlong season ng “The Voice Kids” ang labing-isang taong gulang na si Joshua Oliveros mula Antique matapos makuha ang 38.07% ng mga boto mula sa publiko sa final showdown ng programa kagabi (August 28).
Si Joshua ang kauna-unahang pambato ni coach Lea Salonga sa “Kids” edition na nagwagi sa grand finals at ang kauna-unahang lalaking tinanghal na champion sa “Kids” edition ng singing competition sa Pilipinas.
Tinaguriang “Hopeful Son ng Antique,” tinalo ni Joshua si Antonetthe Tismo ng Team Sharon na nagkamit ng 38.07% ng mga boto, pati na rin si Justin Alva ng Team Bamboo na nagtala ng 25.24%.
“Masaya po ako dahil ako po ang nakatanggap ng bahay at pera at trophy po. Malaking tulong po ito sa amin para matulungan ko po ang pamilya ko. Sobrang tuwa ko po kaya po napaluhod ako,” emosyonal na binahagi ni Joshua matapos siyang tanghaling grand champion.
Bilang ang pinakabagong “The Voice Kids” grand champion, nag-uwi si Joshua ng P1 milyong cash, isang fashion package at trust fund na nagkakahalagang P1 milyon mula H&M, two-year recording contract mula sa MCA Music, Inc., isang business package mula Siomai House, at house and lot mula Camella Homes.
Para sa huling yugto ng kumpetisyon, ang power ballad round, inantig ni Joshua ang puso ng mga manoood sa kanyang sariling rendition ng “Salamat” ni Yeng Constantino. Noong Sabado (August 27) naman, kinanta niya ang “Mangarap Ka” para sa upbeat song round, at nakipag-duet kay coach Lea sa “Nais Ko.”
Si coach Lea ang tanging coach na umikot para kay Joshua sa blind audition nito. At ayon pa sa Broadway Diva, naging disiplinado si Joshua sa buong takbo ng kumpetisyon.
“You don’t have to worry about this boy, because he listens, he delivers, he’s wonderful. He digests the music before it comes out of his mouth. Talagang nakikinig sa rehearsals, very focused,” ibinahagi niya.
“To everybody who voted for this young man, thank you. Sa lahat ng mga sumuporta, sa buong province ng Antique, maraming salamat. We have worked so hard to make this happen. It’s crazy. This is incredible. I’m so happy for this young man,” dagdag pa ni coach Lea.
Talaga namang naging tinutukan ng sambayanan ang ikatlong season ng “The Voice Kids,” na pinangunahan ng hosts na sina Luis Manzano, Kim Chiu, at Robi Domingo, kung kaya’t ito ang naging pinakatinutukang weekend program sa buong bansa.
Inabangan naman ng mga manonood kung sino ang tatanghaling grand champion nito dahil nagtala ang Final Showdown nito ng national TV rating na 39% noong Sabado (Aug 27) at 43.3% naman noong Linggo (Aug 28), ayon sa datos mula Kantar Media.
Samantala, makakasama naman ni Joshua ang iba pang young artists sa isang special show na pinamagatang “Meron Akong Kwento: Ang Himig ng Buhay Ko” live sa Resorts World Manila Newport Performing Arts Theater sa Martes (August 30) kasama ang guests Aegis, Jaya, Jessa Zaragoza, Jovit Baldivino, Dominador “Daddy D” Alviola Jr., at Bugoy Drilon.
Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook at sundan ang @thevoiceabscbn sa Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram.
For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog on Facebook and Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments