Loading...

Breaking News

PBB housemate Kristine Hammond may patutsada kay Heaven Peralejo!

Kapansin-pansin sa nagdaang linggo walang gaano ganap kina Marco, Edward at Heaven sa loob ng bahay ni kuya ito yung moment na pumasok si Lola Pina.

May ipinapalabas naman sa telebisyon na harutan o yung moment nila Marco, Edward at Heaven pero saglit lang ito pero yung usapan ng tatlo ay hindi manlang umere on national tv.

Totoo kayang may pinapaboran ang pamunuan ng PBB kaya piling-pili lang ang ipinalabas nila dahil ayaw nila masira si Heaven sa mata ng madlang pipol? Sa mga hindi nakakaalam si Heaven ay isang Star Magic talent.

Hamon ng netizens at mga taga suporta ng bawat housemates iere ang mga ganap at usapan nila Marco, Heaven at Edward dahil sey nga ng kapwa nila housemates may sarili silang mundo.


Kung hindi ka nakatutok sa PBB live streaming tiyak hindi ka updated sa latest happenings sa loob ng bahay ni kuya, kaya bago pa umere kagabi ang episode na may namumuong tensyon alam na ng mga tropang 24/7 ang nangyari.

Mukhang may isyu si Heaven sa mga babaeng housemates partikular sina MayMay, Kisses at Kristine pati ang ibang boy housemates.

Sa naging episode ng PBB noong Agosto 27 nagpatutsada si Kristine sa kapwa nya housemate na si Heaven sa pagkatalo nila sa lucky task.

Sey ni Kristine "Lesson na po saamin yun na kailangan po talaga 100% ang teamwork. Kaya lang po sila Heaven nga po 'Happy Go Lucky" lang kasi, yun sila Edward at Marco lang kasi ang magkausap.

Mukhang playing safe naman si Heaven na parang wala silang kasalanan sa pagkatalo nila sa task dahil harutan lang ang inaatupag sa bahay ni kuya.

May gana pa siyang pangaralan ang ibang housemates ehh puro naman daw siya salita sey ni Heaven "Lets learn from our mistakes, tama si ate May... wala ng tamad-tamad mabilis na ang kilos at focus sa task"

Nagreak naman si Kristine sa sinabi ni Heaven sey niya "Wala na po nag comment saamin, kasi nga hanggang salita lang po pero hindi po namin nakita sa action".

Ang dating magka close na sina Heaven at Kristine ngayon ay mailap na sila sa isat-isa at mukhang may problema si Heaven kay Kristine na hindi pa naresolba.

Sa mga hindi nakapanuod ng episode ng PBB noong Agosto 27 pwede nyo dito panoorin PBB housemates may patutsada kay Heaven.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

1 comment:

  1. mayroon pa yong issue between marco at yong pti narin kay rita, bkit nag iiwasan sina rita at marco gayon alam nman ng lhat na close silang dalawa?
    tapos bkt d nilinaw ang issue ano nga ba ang sasabihin ni marco kay yong at 2 beses pa nya binatukan c yong, hindi ako butter kay marco sa totoo lng big fan ako ng marta(marco&rita)loveteam
    kc sobra ang chemistry ng 2, boung mundo kinagigiliwan sila, sna po may kalinawan sa issue na tu

    ReplyDelete