Loading...

Breaking News

“It’s Showtime” continues to pull away from “Eat Bulaga,” beating the rival noontime show 18.5% to 13.1%.

Apat na buwan ng nagrereyna sa pananghalian ang noontime show na Its Showtime at tuluyan ng naungusan ang katapat nito na Eat Bulaga.

Kung dati nangunguna ang Eat Bulaga kapansin-pansin na pagsapit ng 2016 bumaliktad na ang kanilang mundo dahil patuloy na nangunguna sa tv ratings ang Its Showtime.

Malaking tulong ang pagpasok nila Amy Perez, Joey Marquez at Mariel Rodriguez sa naturang programa at buong mundo din ang nakatutok sa segment na Tawag ng Tanghalan na napapanood din online.

Sakit sa ulo ng kalaban ang Tawag ng Tanghalan nang Its Showtime dahil marami ang nag-aabang nito dahil hindi ito mapantayan ng Eat Bulaga kahit meron na silang Just Duet.


Malaking porsyento ang naibigay nang Tawag ng Tanghalan sa pagtaas ng ratings at kung kaagad itong tatapusin baka biglang bagsak ang ratings nito. Pumatok din ang ilang segment katulad ng TrabaHula, Junior Hashtag at iba pa.

Dahil hindi napanatili ng Eat Bulaga ang mataas na ratings nito plus milyong tweets every saturday na lumagapak sa 2million tweets na lang mismong GMA ang sumuko sa pangha-hype sa tambalang AlDub.

Kapansin-pansin na hindi na araw-araw binabalita sa 24 Oras at Saksi ang moment ng AlDub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga na dati rati ay laman ng balita na nagpataas ng kilay ng mga taga suporta.

Hindi naman lahat may ilang AlDub fans ang nagbabash sa social media sey ng ilan dapat ng tapusin ang Tawag ng Tanghalan, panira diumano ito sa moment ng AlDub dahil hindi na gaano pinag-uusapan.

Kung dati naglalaro sa 25% na tv ratings ang Eat Bulaga at 30 million tweets naman sa Twitter world ngayon ay semplang na ito. Sa pinakabagong datos mula sa Kantar Media nakapagtala ng 18.5% na tv ratings ang Its Showtime noong Abril 18 laban sa 13.1% ng Eat Bulaga.

Tila ang Eat Bulaga na ngayong ang naghahabol sa katapat nito at mukhang tahimik si Joey de Leon dahil talong-talo na sila sa programa ni Vice Ganda na Its Showtime.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments