Loading...

Breaking News

Meg Imperial balik Kapatid Network via Bakit Manipis ang Ulap?

Muling nagbabalik Kapatid Network ang Star Magic at Viva Artist na si  Meg Imperial sa dati nitong tahanan na kung saan siya nakilala.

Taong Marso 2013 ng lisanin ni Meg Imperial ang TV5 at lumipat sa ABS-CBN at kaagad siyang binigyan ng proyekto gaya ng Maalaala Mo Kaya, Toda Max, Be Careful with my Heart at Galema Anak ni Zuma na kung saan naging break nya para makilala siya ng husto.


Nasungkit din nya ang proyektong Moon of Desire taong 2014 na naging big break nya sa Kapamilya Network dahil siya ang lead role sa nasabing serye.

Ang Moon of Desire din ang kanyang huling serye sa ABS-CBN bagama't naging suki na siya sa mga episodes ng Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya.

Magdadalawang taon din na tengga si Meg Imperial at walang regular show sa ABS-CBN kaya nga ba tinanggap nya ang proyektong inilatag sa kanya ng TV5.

Marami ang nagtatanong kung hudyat na nga ba ito na magbabalik Kapatid Network na siya dahil kasama ang batang aktres sa pinakabagong teleserye handog ng TV5 at Viva Entertainment na "Bakit Manipis ang Ulap?" na magsisimula na sa lunes Pebrero 15.

Hindi nga ba pinalad si Meg Imperial na umariba ang karera nya sa showbiz lalo't na maraming artista ang nakikipagsapalaran ngayong sa ABS-CBN.

Makakasama ni Meg Imperial sina Diether Ocampo, Cesar Montano at Claudine Barretto sa serye Bakit Manipis ang Ulap na magsisimula sa Pebrero 15 sa oras na 9pm sa TV5.

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments