Loading...

Breaking News

Princess in the Palace ng GMA ipantatapat sa hit teleserye "Ningning" nang ABS-CBN.

Bilang na ang mga araw ng programang The Ryzza Mae Show ng GMA dahil malapit na itong mamaalam sa ere.

Dahil nag hit ang teleserye Ningning na pinagbibidahan ni Jana Agoncillo ay tatapatan ito ng GMA via Princess in the Palace na pagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon.


Makakasama ni Ryzza sa seryeng Princess in the Palace sina Eula Valdez, Dante Rivero, Boots Anson-Roa, Aiza Suguerra at marami pang iba.

Bukod sa pagiging host mapapasabak na ang kapuso child wonder na si Ryzza Mae sa matinding aktingan ano pat ito ang kanyang unang teleserye pagbibidahan sa Kapuso Network.

Sa nalalapit na tapatan ng Ningning at Princess in the Palace ano kayang programa ang magwawagi sa puso ng pinoy viewers, yan ang dapat pakaabangan.

Abangan ang pagsisimula ng Princess in the Palace simula sa Setyembre 21 bago mag Eat Bulaga sa GMA7.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments