Loading...

Breaking News

Martin Del Rosario on Gay Rumors: ‘Hindi ko babasagin yung trip nila’

Hindi kailanman na-bother ang dating Kapamilya actor na si Martin del Rosario about gay issue na patuloy na ikinakabit sa kanyang pangalan. Maging ang pamilya niya, hindi rin daw ito pinapansin.

“Paulit-ulit na kasi yan, eh. Hinahayaan ko na lang. Kung trip nilang pagtripan ako, hindi ko babasagin yung trip nila. Hayaan ko na lang talaga. Wala na akong comment. Di na ako magbibigay ng statement kasi paulit-ulit na rin lang, eh,” pahayag agad ng aktor.

At kahit may ganu’ng isyu, hindi rin daw siya natatakot na tumanggap ng gay roles.


“Okey lang sa akin, kasi mas challenging yung mga roles, mas gusto ko, eh. Kaya kahit sinasabi at lagi akong nababalita na gay sa mga news parang it doesn’t stop me to do more gay roles kasi parang malilimitahan yung craft ko, eh.

“Kumbaga, nandito ako para magtrabaho, para galingan ko ang pag-arte tapos pag hindi ako tumanggap ng mga ganyan, eh, di parang ako yung nalilimitahan,” katwiran pa niya.

Eh, ang magpa-sexy sa pelikula o kaya’y mag-frontal, kaya ba niyang gawin?

“Yung mag-frontal? Yung buyangyang talaga? ‘Yung parang don sa nude photo na lumabas? Well, depende,” kaswal niyang pahayag.

“Kung ako, parang okey lang lalo na kung art naman yan. Kaso siyempre, kailangan ko ring kausapin ang management ko kasi sila yung may alam lalo na sa image ko… yung career ko. Pero kung ako lang yung gagawa ng wala yung management ko, okey lang. Basta maganda, kumbaga hindi lang for the sake na maghubad lang. Yung tipong malaki ang maitutulong sa ikagaganda ng movie.

“Sa mundo kasi natin (showbiz), ang dami kong kinukunsultahan, manager ko, yung ganu’n.”


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments