Loading...

Breaking News

Janice De Belen and Priscilla Meirelles Join the Cast of ‘Be My Lady’

Nagkaroon ng look test at pictorial ang upcoming teleserye na Be My Lady na pinangungunahan ng tandem nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Maganda at ma-intriga ang supporting cast ng teleserye dahil kasama dito sina Janice de Belen at si Priscilla Meirelles sa una niyang teleserye.

Ex-husband ni Janice si John Estrada at present wife naman ni John ang Brazilian beauty queen na si Priscilla. Magkabukod nakausap ng Push.com.ph ang dalawa sa kani-kanilang dressing rooms at natanong ng kanilang reaction ng unang inalok sa kanila ang teleserye.


Para kay Janice, walang issue at naka move on na siya matagal na.

"Walang problema sa akin. Actually between the two of us baka siya pa nga ang medyo maapektuhan dahil hindi pa siya masyado sanay sa ganyan ako sanay na. Ano pa ba? (Laughs)"

Ganito rin ang naging sagot ni Priscilla at walang problema sa kanya.

"Walang problema dyan. Walang intriga dyan si Janice de Belen ay isang mabuting nanay sa mga anak nila ni John, wala kaming problema dyan."

Nai-kuwento rin ni Priscilla ang naging reaction ni John ng magpaalam siya na makakasama si Janice sa trabaho.

"Actually sabi niya, ‘Okay lang ba sa iyo?’ Sabi ko walang problema! (Laughs)"

Si Janice naman naging pabiro ang sagot.

"Hindi pa dapat si John ang tanungin nyo kung handa na ba siya? (Looks at the camera) Handa ka na ba?"

Dagdag ni Janice, bihira lang daw kung magkita sila sa mga okasyon at kung mangyari man ito ay nagkakausap naman sila.

"Okay naman kami. Bihira kami magkita and I don’t remember when was the last time pero okay naman kami."

Si Priscilla, ‘di naman makakalimutan ang una nilang casual na pag-uusap ni Janice.

"Actually in the past sa isang party we were seated sa isang table together with other ladies. Ayun nag-usap naman kami."

Magsisimula ng mag-taping ang Be My Lady na coming soon sa Kapamilya Network.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments