Loading...

Breaking News

Angeline Quinto is No Longer Part of ABS-CBN TV Remake 'Ang Probinsyano'

Hindi na magiging bahagi ng upcoming teleserye ng ABS-CBN "Ang Probinsyano" ang singer na si Angeline Quinto.

Matatandaan na inanunsyo ng Kapamilya Network noong Mayo na bukod kay Bela Padilla isa si Angeline sa magiging leading lady ni Coco Martin sa nasabing serye.

Ano kaya ang dahilan sa pagkakatanggal nya sa remake na Ang Probinsiyano? At sino naman kaya ang napipisil ng produksyon na ipapalit sa kanya?


Narito ang naging pahayag mula sa Philippine Entertainment Portal ni Angeline Quinto sa isyung ito.

“Gusto ko lang linawin, hindi na po ako kasama. Ngayon ko lang po ito sinabi, ha.

“Kasi po, before pa po, nung nilalatag pa po yung mga schedule namin, pabagu-bago kasi yung taping.

"Hanggang sa umabot na before mag-concert [with Erik Santos on August 15 at Smart-Araneta Coliseum], so hindi na po nagawan ng paraan.


“Meron na po akong mga schedules na before na nagawa na para ngayong taon.”

Malaking proyekto ang Ang Probinsyano kaya labis daw ang panghihinayang ni Angeline na hindi na siya kabilang sa cast.

“Yun nga po, sayang.

"Tapos ito po sana yung first time naming magkakasama ni Coco Martin sa teleserye.

“E, kung nangyari po ito, sabi ko, ‘Baka may dahilan naman po kung sakaling baka may susunod.’”


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments