Loading...

Breaking News

Religious Drama Series na "Pari 'Koy" magtatapos na sa July 24.

Hot topic ngayon ang primetime series na Pari 'Koy sa social media dahil binalaan nang CBCP na maging maingat ang programa sa pagpapalabas tungkol sa exorcism, ang Pari 'Koy ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Sa aming nakuhang impormasyon malapit na magtapos ang religious drama series na Pari 'Koy at nakatakda itong magtapos sa susunod na buwan.

Nagsimula ang Pari 'Koy noong Marso 9 at sa pagsisimula nito bigo itong umarangkada sa primetime dahil sa mas pinapanood ng pinoy viewers ang ABS-CBN Primetime Bida.

Hindi din ramdam sa social media ang serye Pari 'Koy dahil mas napapag-usapan online ang mga katapat nitong serye na Dream Dad at Nathaniel.

Kung ratings ang pagbabasehan ayon sa latest tv ratings na inilabas ng Kantar Media nakakuha ang Pari 'Koy ng 18% noong June 17 laban sa katapat nitong Nathaniel na nakakuha ng 35% na ratings.

Wagi ang Nathaniel noong June 18 sa tv ratings at nakakuha ito ng 34.6% kumpara sa Pari 'Koy na nakakuha ng 16.1% na ratings.

Huling limang linggo na lang ang serye Pari 'Koy dahil nakatakda itong magtapos sa Hulyo 24. Abangan din ang mga maiinit na tagpo sa serye Pari 'Koy pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments