Loading...

Breaking News

PBB Housemates Bailey May at Kenzo Gutierrez may namumuong "Bromance"

Sa ika-apat na araw ng mga housemates sa loob ng bahay ni kuya mukhang may mga kontrobersya na kaagad na kinakaharap ang ibang teen housemates.

Kinakikiligan ngayon sa loob ng bahay ni kuya ang Global housemate na si Bailey May dahil sa kanyang kagwapuhan at maraming kababaihan ang kinikilig sa pagtututok sa Pinoy Big Brother 737.

Bukod kay Bailey isa pang housemate ang kinakikiligan ang Astig Chinito Athlete na si Kenzo Gutierrez na talaga naman mapapa wow ka sa kanyang kakisigan.

Sa pamamalagi nila sa bahay ni kuya unti-unti nang lumalabas ang tunay nilang kulay at ugali, may ilang housemates din ang nagpakatotoo sa nasabing bahay.

Gabi-gabing trending ang #PBB737 sa Twitter worldwide kaya usap-usapan ng mga netizens sa social media ang namumuong bromance sa pagitan nila Bailey at Kenzo.

May ilang netizens ang kinikilig sa "BROMANCE" na nagaganap sa dalawang housemates at tanong ng netizens sa paglabas nila ng bahay ni kuya may aaminin kaya sila?

Meron na ngang loveteam ang dalawa at tinawag itong  KenLey Loveteam at marami ang kinilig sa kanilang video dahil puro kilig moments ang ganap.


Inalam namin ang ibing sabihin ng "Bromance" at ito ang ibig sabihin  "Non-sexual relationship between two men".

Kung meron kinilig kina Bailey at Kenzo may ilang netizens din ang bumabatikos sa dalawang teen housemates na kesyo dapat umamin na diumano si Kenzo sa madlang pipol kung ano nga ba ang itinitibok ng kanyang puso.

Sey ng netizens may dugong berde diumano ang housemate na si Kenzo Gutierrez kaya hindi nya napigilan ang kanyang emosyon.

Galit din ang mga fans ng team RyLey sa team KenLey na kung saan nagpakatotoo lang si Ryan Bacalla sa kanyang nararamdaman, mukhang may gusto itong si Ryan sa kanyang kapwa housemate na si Bailey dahil halatang kinikilig ang bagets.


MY BROMANCE #PBB737#KENZO&BAILEY#KEN-LEY <3
Posted by Calum Aguas on Monday, June 22, 2015

Abangan din natin ang mga ganap sa bahay ni kuya sa mga susunod na araw dahil tiyak may mga rebelasyon pang magaganap sa mga housemates.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments