Loading...

Breaking News

Da WHO: Malditang Young Actress hobby na ang mag-power trip, ayaw din na may kasalo sa dressing room.

Super nega ang vibes ng young actress na ito kaya naman todo-iwas sa kanya ang ibang mga artista ng TV network.

Kaya naman pala ang kausap palagi ng young actress ay ang kanyang alalay at makeup artist dahil wala siyang kasundo na ibang artista na ka-share niya sa dressing room.

“Paano naman, feeling masyado ang babaeng ‘yan,” chika pa ng source namin.


“Pakiramdam niya na siya na ang pinakaimportanteng talent ng network kaya wala ‘yang binabati kapag naglalakad sa corridor ng station. Kahit na may mag-‘hi’ sa kaya, dedma siya.

“At pagdating sa dressing room, pinaparamdam niya na ayaw niyang may kahati siya. Hindi niya kikibuin ang mga kasama niya at maglalagay agad siya ng earphones at magsusuot ng sunglasses.

“Gano’n siya kawalang pakisama sa ibang talent kaya dedma na rin sila sa kanya.”

At antipatika pa raw si young actress, ayon naman sa isang writer ng isang show.

Noong mag-guest ito sa isang talk show, inalam pa raw ni young actress ang mga itatanong sa kanya. Siyempre, hindi puwedeng magsabi ang writer dahil mawawala ang surprise ng show.

“Tumalak ba naman ang malditang babaeng ‘yan na ‘Eh paano kung mag-walkout ako? Eh ‘di mas surprise iyon, ‘di ba?’

“Pero walang nagawa ang young actress at hindi niya nakuha ang gusto niya.

“Hindi naman nag-walkout ang young actress. Naghintay pa rin naman siya. Akala niya madadala sa power-tripping niya ang staff ng show.

“Okey lang naman daw kung mag-walkout siya dahil sasabihin naman nila sa show na nag-walkout ito na walang valid reason.

“So sino ang mapapahiya? Eh ‘di siya dahil feeling niya ay masisindak niya ang kahit na sino,” sey pa ng writer.”

Kaya nasaksihan ng staff ng show ang kaplastikan ng malditang young actress dahil kiyemeng masaya siya dahil nasorpresa raw siya ng show.


For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

No comments