Loading...

Breaking News

Da WHO: Nasayang ang acting workshop, Aktor nakangiti kahit drama ang eksena!

Sayang ang big break na ipinagkatiwala sa isang aktor dahil hindi siya marunong umarte.

Bago nagsimula ang taping ng teleserye, sumailalim sa acting workshop ang aktor at ang kanyang mga co-star pero sadya yata na walang acting talent ang pobre.


Naglilipat ng television channel ang mga nanonood ng teleserye kapag ang mga eksena ng aktor ang ipinapakita dahil walang kabuhay-buhay ang acting niya.

Kahit madadrama ang mga eksena, naka-smile ang aktor na parang si Kris Aquino noong struggling actress pa lamang ito.

Mabuti na lang, natuto nang umarte si Kris at nag-win pa ng mga acting award.

Kung hindi magsisikap ang aktor, malabo na matupad ang dream niya na forever na maging artista dahil walang allotted space ang entertainment industry para sa mga bobito sa acting.


Written by: Lolit Solis

For more Kakulay Updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

1 comment: