Loading...

Breaking News

ABS-CBN Still Remains Undisputed in National TV Viewership in March.

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa national TV ratings matapos nitong humataw sa average national audience share na 42%, o pitong puntos na lamang sa GMA na may 35%, base sa datos ng Kantar Media para sa buwan ng Marso.

Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.

Nananatiling matatag ang primetime block (6PM-12MN) ng Kapamilya network taglay ang average audience share na 48%, o 16 puntos na lamang kumpara sa 32% ng GMA. Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Ang pagtibay ng Primetime Bida ng ABS-CBN ay dahil na rin sa mga dekalibreng teleserye kabilang ang katatapos pa lamang na “Bagito” at “Two Wives,” at ang mga bagong programang “Bridges of Love” at “Inday Bote.”

Mahigpit na kinapitan ng TV viewers ang kaabang-abang na pagtatapos ng “Two Wives” na pumalo sa average national TV rating na 23.4%, kumpara sa nakuha ng katapat nitong programa na “Second Chances” (13.5%). Hindi rin naman bumitaw ang lahat sa pagtatapos ng “Bagito,” na nakakuha ng average national TV rating na 17.4%, kumpara sa 9.3% ng “Future’s Choice” ng GMA.

Mainit na tinanggap naman ng buong sambayanan ang naging kapalit ng “Two Wives” na “Bridges of Love” na nakakuha ng average national TV rating na 22.9% noong nakaraang buwan. Panalo rin sa labanan ng rating ang “Inday Bote” na nakakuha ng average national TV rating na 19%, kontra “My Love From the Star” (11.3%) ng GMA.

Nangunguna sa listahan ng mga pinakapinanood na programa noong Marso ang “Dream Dad” (33.1%), “Forevermore” (32.4%), “Maalaala Mo Kaya” (28.1%), “TV Patrol” (26.7%), at “Rated K” (23.7%).

Bukod sa primetime, wagi rin naman ang daytime block ng ABS-CBN na pinangungunahan ng “Oh My G” (16.2%) at “It’s Showtime” (14.4%).

Samantala, matinding suporta naman ibinigay ng mga manonood ng “The Voice of the Philippines” Season 2 hanggang sa huli, kaya naman nagwagi ang grand finals night nito noong Marso 1 sa national TV rating na 30.8%.

Pasok din sa listahan ng sampung pinakapinanood ng programa sa bansa ang pinakabagong hit variety show ng ABS-CBN na “Your Face Sounds Familiar” na nakakuha ng average national TV rating na 26.6%, kumpara sa dalawa nitong katapat na programa na “Kapuso Mo Jessica Soho” (22.6%) at “Celebrity Bluff” (16.3%).

May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks ang kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media na kilala sa buong mundo bilang isang kumpanyang sumusukat at nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon. Kabilang sa subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, 720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International, Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at 720ConsumerConnect.

No comments