Arci Muñoz muntik nang mag-quit showbiz, aktres nagpasalamat sa Kapamilya Network.
Hindi na lang daw pinapansin ni Arci Muñoz ang batikos na sa kabila ng nalibot na niya ang tatlong malalaking networks sa bansa—GMA, TV5, at ABS-CBN—ay hindi pa rin siya sumisikat.
Handa na si Arci Muñoz sa paglipat niya sa ABS-CBN. Magiging bahagi siya ng teleseryeng Pasion de Amor, kasama sina Ellen Adarna, Coleen Garcia, Ejay Falcon, Joseph Marco, at Jake Cuenca. Si Eric Quizon ang direktor nito.
Nagsimula sa showbiz si Arci nang sumali siya sa reality-based artista search ng GMA Network na StraStruck 2 noong 2005. Noong 2010 ay lumipat siya sa bakuran ng TV5 at noong 2014 nga ay pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN.
Paano siya napunta sa Kapamilya network? Saad ni Arci, “Naku, mahaba… akala ko nga wala na. “Feeling ko, may iba na akong gagawin sa buhay ko.
“’Tapos nag-sign ako sa Viva, pero hindi ako naging masyadong active sa kanila, kasi nga Tita Annabelle [Rama] ako,” pagtukoy niya sa kanyang manager. Patuloy niya,
“’Tapos pinag-audition nila ako for a different show, pero hindi ako nakuha. That’s Two Wives. “’Tapos ipinatawag nila ako uli for another audition naman, for Pasion de Amor.
“So, hindi talaga naging madali rin yung pinagdaanan ko. Para akong nagsisimula uli.
“Mahirap, pero masaya, fulfilling. Kasi, at least, pinaghirapan.”
Ano na ngayon ang estado ng management team niya?
Paliwanag ni Arci, “I’m still with Viva and co-managed pa rin po ni Tita Annabelle.
Written by: Rey Pumaloy
Sabi niya, “Ano lang, added experience ko na lang. Hindi ko naman hinahangad nang sumikat, magkaroon lang ng trabaho at ma-appreciate yung kakayahan ko.”

No comments