Loading...

Breaking News

Primetime Queen Angel Locsin pinatunayan na sya parin ang reyna sa primetime, Jennylyn Mercado at Marian Rivera umuwing luhaan.!

Talagang pinatunayan ni Primetime Queen Angel Locsin na sya parin ang reyna sa primetime dahil biruin nyo sa lahat ng umere na drama series na nagsimula nuong Enero ang kanyang serye ang nagwagi.

Nauna ng nagpaalam ang Paraiso koy Ikaw at sinundan naman ito ng serye ni Telebabad Queen Marian Rivera na Carmela na nagtapos nuong May 23.

Samanatala ang Rhodora X ni Jennylyn Mercado ay nagtapos nuong May 30 na hindi manlang ramdam ang pagtatapos nito.

Mas pinag-uusapan din sa social media at humahataw sa ratings ang primetime drama series na The Legal Wife mapa AGB man o Kantar ay wagi ito, kumpara sa Carmela at Rhodora X.

Tila umuwing luhaan ang mga serye nila Jen at Marian na Rhodora X at Carmela na hindi manlang magawang talunin ang katapat nitong programa.

Karapat dapat talagang tawaging Primetime Queen si Ms.Angel Locsin ano pat nag HIT ang kanyang serye at mas pinapanuod ng mga pinoy ang The Legal Wife dahil sa makatotohanan ang istorya.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment:

  1. congrats ms Angel Locsin you're the best!
    sana after nito masundan din agad ng bagong teleserye si Angel Locsin!

    ReplyDelete