Loading...

Breaking News

Pilot episode nang Sana Bukas Pa Ang Kahapon nakapagtala ng 21.7%, Ang Dalawang Mrs. Real nakakuha ng 10.4% na ratings.

Tila sawa na ang pinoy viewers sa kabitserye ano pat binago ng The Legal Wife ang temang ito na pinakatutukan ng sambayanan kumpara sa serye ni Maricel Soriano na Ang Dalawang Mrs. Real.


Hindi nga nakaporma ang bagong kabitserye simula nagkatapatan ang The Legal Wife at Ang Dalawang Mrs. Real at sa panibago nitong katapat na programa ay umuwi parin itong luhaan.

Sa pilot episode ng bagong teleserye ng kapamilya network na Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay waging-wagi ito sa ratings base sa datos ng Kantar Media.

Nakapagtala ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ng 21.7% na ratings kumpara sa 10.4% nang Ang Dalawang Mrs. Real.

Sa datos naman mula sa AGB Nielsen wagi ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon nakakuha ito ng 20.9% laban sa 15.9% ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Totoo kayang mapapadali ang pagtatapos ng  Ang Dalawang Mrs. Real dahil hindi ito nagrarate at pinapasok ng adloads yan ang ating pakaabangan.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments