Loading...

Breaking News

Kabit serye Ang Dalawang Mrs.Real lugmok na lugmok sa ratings.!

Kung nag hit ang kabit serye The Legal Wife na pinagbibidahan nila Maja Salvador, Jericho Rosales at Primetime Queen Angel Locsin kabaliktaran naman ito sa nangyari sa bagong serye ng GMA7.

Nagsimula nuong Hunyo 2 ang kabit serye Ang Dalawang Mrs.Real na pinagbibidahan nila Lovi Poe, Dingdong Dantes at Maricel Soriano.


Hindi din ramdam sa social media ang primetime series na Ang Dalawang Mrs.Real sa makatuwid hindi ito pinag-uusapan ng pinoy viewers.

Tila sawa na ang viewers sa ganitong tema ano pa't nag hit ang The Legal Wife, lugmok na lugmok din ang ratings nang Ang Dalawang Mrs.Real mapa AGB man o Kantar Media.

Base sa pinaka latest na inilabas ng Kantar Media nuong June 11 nakapagtala ang Ang Dalawang Mrs.Real ng 9.6% laban sa The Legal Wife na nakakuha ng 31.7% at Aquino & Abunda Tonight 16.2%.

Bagsak din ang ratings nito nuong June 12 nakakuha ang Ang Dalawang Mrs. Real ng 10.1% laban sa 30.1% nang The Legal Wife.

Tila nanganganib na matigbak kaagad ang naturang programa dahil kahit sa ad loads ay talo ito.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments