Loading...

Breaking News

Serye ni Marian Rivera mauuna magpapaalam kaysa sa Rhodora X ni Jennylyn Mercado.

Marami ang nagtaas ang kilay kung bakit mauuna matapos ang serye ni Marian Rivera na Carmela kaysa Rhodora X, matatandaan na sabay ito umere nuong Enero 27.

Kapansin-pansin na aabot lang ito ng 4 months na kung tutuusin ay dapat 5-7months ang itatagal kapag primetime drama series.

Kung dati ay nagtretrend pa at pinag-uusapan ang Carmela at Rhodora X pero ngayon ay hindi manlang ito ramdam sa twitter world at mas pinag-uusapan pa ang serye ni Primetime Queen Angel Locsin na The Legal Wife.

Pero hirit ng ibang mga fans mas mabuti daw na mauna matsugi ang Rhodora X kaysa sa Carmela ano pat itinuturing ng mga kapuso si Marian bilang Telebabad Queen.

Aminin man natin o hindi ay semplang talaga pagdating sa ratings ang Carmela ni hindi manlang ito nakaporama sa nakatapat nitong serye na Got to Believe at Ikaw Lamang ayon sa datos ng Kantar Media na mas pinagkakatiwalaan ng advertisers.

Nagbunyi din ang fans ni Jen dahil may 2 weeks pa sila mapanuod ang Rhodora X kaysa sa Carmela na huling linggo na nito. Kung kayo ang aming tatanungin mga kakulay kaninong serye ang mas maganda kay Jen ba o kay Marian?

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog



No comments