Loading...

Breaking News

Finale episode ng Carmela sawing-sawi nakapagtala ng 16.4%, Ikaw Lamang waging-wagi nakakuha ng 33.1%.

Sa pagtatapos ng serye Carmela ni Telebabad Queen Marian Rivera ay bigo itong manalo simula nakatapat nito ang serye Ikaw Lamang ni Teleserye Princess Kim Chiu.


Ang Carmela ay ang pangalawang programa na nagpaalam sa mga nagsimula nuong Enero 27 at susundan naman ito ng Rhodora X na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media na mas pinagkakatiwalaan ng mga advertisers nakapagtala ang Carmela ng 16.4% sa finale nito laban sa Ikaw Lamang na nakakuha ng 33.1% na ratings.

Sa datos naman mula sa AGB wagi ang Ikaw Lamang nakakuha ito ng 30.2% laban sa 20%  nang Carmela.

Mas pinag-usapan din sa social media dahil sa mga intense na mga eksena ang Ikaw Lamang laban sa Carmela na hindi naramdaman ang pagtatapos nito.

Patuloy din na namamayagpag ang Ikaw Lamang sa bago nitong katapat na Kambal Sirena dahil mas pinapanuod ang Primetime Bida kumpara sa Telebabad.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@gmail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

1 comment: