Loading...

Breaking News

Bagong reformat na Sunday All Stars semplang kaagad sa ratings, ASAP 19 mas pinakatutukan ng mga pinoy viewers.

Maraming netizens ang nagalit kung bakit nireformat ang Sunday All Stars dahil sey nila hindi na nila mapapanuod ang kanilang mga idolo dahil minsan na lang sa isang buwan ito masisilip nila sa naturang programa.

Dahil sa pagreformat ng Sunday All Stars nagbawas sila ng oras na kung dati ay umaabot ito ng 2hrs and 30mins pero ngayon ay aabot na lang ito ng 1hr and 30mins sa ere.

Hindi lang oras ang binawasan nila pati rin mga talents ay nagbawas sila kaya maraming avid viewers ang napataas ang kilay sa ginawa ng naturang programa.

Sa bagong reformat ng Sunday All Stars sumemplang kaagad ito sa ratings dahil ayon sa pinaka latest tv ratings na inilabas ng Kantar Media nakakuha ito ng 7.9% laban sa hindi mapantayang ASAP 19 na umabot sa 10.9% ang nakuhang ratings.

Mas pinakatutukan ng mga pinoy viewers ang variety program na ASAP 19 at mas pinag-uusapan din ito sa ibat-ibang social networking sites.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

2 comments:

  1. Ipasok na uli agad ang Hollywood movies na may boses Kapuso!

    ReplyDelete
  2. tangaling nalang kasi puro kasi di sikat na artista ang sumasayaw..at kumakanta para lang ako nanonood ng pa contest sa barangay

    ReplyDelete