Loading...

Breaking News

Maja Salvador gustong sagasaan at kuyugin ng mga pinoy viewers dahil sa kanyang karakter sa The Legal Wife.

Kung dati ay sinasabi nilang walang dating at malamya ang primetime series na The Legal Wife pero sa pagsapit ng buwan nang Abril ay mas pinag-uusapan at pinakatutukan ito ng mga pinoy viewers.

Gabi-gabi din trending ang The Legal Wife sa twitter world dahil sa ganda ng istorya nito at talaga naman pinag-uusapan ito ng mga netizens all over the world.

Sa news feed na lumalabas sa aking facebook account tila gustong kuyugin si Maja Salvador ng mga pinoy dahil sa kanyang karakter na Nicole Esquivel.

Last week din ay intense ang mga eksena ang nasubaybayan ng mga pinoy lalo na yung dumaan si Monica (Angel Locsin) na nakakotse sa harap nila Adrian at Nicole samut-saring status at tweets ang nabasa namin dahil gusto nilang sagasaan si Nicole.

Sey ng isa "Monica sagasaan mo na ang dalawang yan, kakainis kayo Adrian at Nicole"

Tila sobrang apektado ang mga pinoy viewers sa mga eksena napapanuod nila na sa totoo lang ay nangyayari ito sa totoong buhay.

Asahan na din natin na baka isang araw ay biglang saktan si Maja Salvador na sumusubaybay sa The Legal Wife dahil sa kanyang makatotohanan pagganap na kabit.


For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE  Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at ilovekakulay@mail.com

Original Article from Kakulay Entertainment Blog

No comments